Sadyang kahanga-hanga ang kagandahan ng ating kapaligiran. Lalo pa't ito'y napapaligiran ng malulusog at luntiang punong-kahoy at iba't ibang uri ng halaman.
Ngunit, Bakit ba ang dating pinag-iingatang kagubatan na pinalamutian ng malalaking kahoy ay sadyang naglaho na?
Ito ba'y dahil sa kasakiman nating mga taong walang inintindi kundi ang sariling kapakanan? Ni Hindi isinaalang – alang and kinabukasan ng Inang Bayan pati na ang mga sanggol na ngayon lang isinilang. Walang pakundangang pinuputol ang mga punongkahoy sa gubat, ipinagbibili at ang iba nama'y sinusunog upang magkaroon ng lupaing pagtataniman ng palay, mais at iba pa.
Ang dating mayamang kagubatan na pinamugaran ng iba't ibang uri ng mga ibon ay naglaho na, patin na rin ang mga maiilap na hayop na masayang naninirahan dito ay wala na rin.
Gaanu man kasinop ang iba't ibaing aheniya sa gobyerno upang maibalik nag dating malawak at mayamang kagubatan ito'y walang saysay, kung tayong lahat ay di magkaisa at magtulungan upang kamtin ang isang layunin.
Bawat isa sa atin ay may tungkulin na pangalagaan at pagyamanin ang ating kapaligiran lalo na sa ating kagubatan. Dahil dito nakasalalay ang buhay ng ating bansa, ang buhay ng bawat tao. Ang sariwang tubig na ating tinatamasa, ang sariwang hangin, prutas at iba pang pagkain ay dulot umano ng pag kakaroon ng kagubatan.
Anuman ang yaman na mayroon tayo ngayon ay dapat nating pag-ingatan, pahalagahan, pagyamanin at anuman ang unti unting naglalaho ay dapat gawa'n ng paraan upang ito'y maibalik sa atin at nang tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Halina aking mga kababayan, tayo'y magatanin sa ating bakuran. Prutas man ito o ano pa man, ang mahalaga ay ating maagapan at di tuluyang mawala ang kagandahan ng ating kapaligiran.
Udyukin natin ang ating mga sarili sa pagtanim ng mga punongkahoy at halaman, upang maibalik ang dating kaali-aliw at mapang akit na bayan. :)